what is it in me..

“bakit ganun, Jocelle.. pag malungkot kasama ka, pag masaya na, wala ka na?” –a friend once asked me in High School.

He figured this out kase… once there was a group of 5 girl friends. Then one day, 4 of them had a conflict with 1. So yun girl, out of nowhere, bigla na lang sumasama sa akin – sa umaga pag recess, sa lunch, sa library, sa groupings of pairs, kahit hanggang pagsabay mag-CR.

After how many weeks, okay na sila nung circle of friends nya (na friends ko rin naman). Happy na sya, wala na syang tampo sa kanila..

One afternoon, uwian.. while I, my close friend Conrad, and our close friend(/teacher) were talking about something, the 5 girls passed us by and all them happily bid us byebye for the day.

Nung makaalis na un mga girls na yun.. suddenly, inakbayan ako ni teacher at Conrad, then he asked: “bakit ganun, Jocelle.. pag malungkot kasama ka, pag masaya na, wala ka na?”

I answered them while laughing: hindi ko alam.. ganun talaga.. πŸ™‚

Madalas mangyari sa akin ‘to.. and it always makes me 50% laughing at the thought that “oh well, happy na sya kaya nakalimutan na naman ako”, and 50% thinking “ano bang meron..?”

Am I really for the sad parts only?

If my friends’ lives were a book, do I only come at the sad chapters?

If it were a movie, do I only play the cameo role..?

It’s so sad.

Maybe it’s a nice thing to know, that people remembers me when they’re sad because that means, I’m nice to have during sad times..?

I wonder.

I doubt.

I don’t know.

to the graduating, from a graduate

Post #17

Uy, ikaw,

Bukas, o ilang araw pa siguro mula ngayon, ga-graduate ka na. Ga-graduate na kayo. Ilang taon din ang binuno mo sa pag-aaral, ilang taong tumira sa skwelahan, at ngayon nga.. ngayon na nga ang panahon para lisanin ito.

Sa humigit-kumulang labing-apat o labing-limang taon mo sa paglalabas-masok sa skwelahan, siguro naman marami ka naring natutunan, kahit na ilang beses mo na ito paminsan-minsang kinasuklaman.

Anim na taon na ang nakakaraan mula nung ako’y grumaduate. Sa loob ng ilang taon sa skwela, aaminin kong ilang beses ko na rin itong kinabwisitan. Ilang beses ko naring minura sa isip ko ang hirap ng Calculus, ng Automata, ng Java, Β na hindi ko alam kung ano ba talagang koneksyon nun sa buhay ko. Ilang taon akong naghirap sa PE para lang ipasa ang basketball, volleyball, at ang pinaka-bangungot kong swimming.

Sa ilang taong nilagi ko sa skwelahan, ilang beses ko na rin gustong madaliin ang panahon para makaalis na duon. Ilang beses ko naring sinabing

Ayoko na mag-aral. Sana graduate na ako.

Naranasan ko rin ang tumakas sa isang klase. Minsan, dahil wala akong assignment, madalas dahil sa takot sa terror kong PolSci prof (“bestfriend” ko daw) Β na di mo alam kung gustong gusto lang nya talagang inaasar ako, at pati un bwisit na NatSci prof na kinalaunan eh parang nahipan ng hangin at biglang bumait, ngumingiti na sa wakas at nag-bibiro pa na wala man lang matawa ng tawa talaga dahil ilang parin sa kanya.. hahaha

Naranasan ko rin ang mapagalitan dahil lang sa pinanindigan ko ang sagot kong saksakan ng mali dahil di ko naman pinaalam na “ay, sir, absent po ako nung tinuro nyo un”.

Kalahati siguro ng mga nararanasan o naranasan mo (at ng iba pang estudyante) ngayon, napagdaanan ko na din. Mas madami pa nga siguro kame ng mga kaibigan kong idinahilan sa mga sarili namin kung baket gusto na naming makatapak sa labas ng skwela.

Anim na taon na mula nuon. Sa unang ilang buwan pagkatapos nung araw ng graduation, paghahanap naman ng trabaho ang inatupag ko..

Hindi pala nawawala ang problema paglabas mo ng skwela.

Dahil pag nagka-trabaho ka, sa una lang masaya. Unang sweldo. Sa mga susunod na taon, pag sanay ka na.. pag naumay ka na, muli mo ulet sasabihin ang mga nuo’y sinabi mo narin nung nag-aaral ka pa:

Monday na naman??? Sana weekend na lang ulet.

Napapagod na ako.

Ayoko na.

Nun mo marerealize masarap parin pala ang mag-aral. Hindi natatapos sa pagtatapos ang kalbaryo mo sa buhay, dahil paglabas na paglabas mo, pagkatapos mong i-celebrate ang isa sa mga napakalaking achievement mo bilang isang estudyante, pag-gising mo kinabukasan, umpisa na naman.. BAGONG BUHAY na naman.

Ilang daang rason man ang meron ka nuon para gustuhing makapagtapos na, pagtapak mo sa real world, iisipin mo rin ang Milyong rason kung baket mas masaya parin sa skwela. πŸ˜‰

O sha, babatiin na kita,

MALIGAYANG BATI SA IYONG PAGTATAPOS! πŸ™‚

MABUHAY KA! \O/

Nanggugulo,

Ako