24/365 tula ng puyat

Ilang beses ko na sinabing ayoko na
Ilang beses na bang titigilan na
Ayoko na manuod, maglaro, magpuyat
Pero alas-dose na, ito parin chess at telebabad.

Ilang beses mo na sinabing ayaw mo na
Ilang beses na bang aalis na
Pero hanggang ngayon, asan ka?
Andito ka parin. Ano ba? Ano na?

Akala ko ba huling episode pa tapos tama na muna
Akala ko ba huling laro na lang tapos tapos na
Pero nang matapos ang episode, naghanap ka pa ng mapapanuod
Pinatulan mo pa yung hamon ng player na sumunod.

Akala ko ba gusto mo nang umalis
Pero bakit hanggang ngayon patuloy kang nagtitiis
Sa mga bagay na akala mo magbabago
Pero bumalik lang din sa dati matapos ang isang linggo

Antok na antok na ako pero ba’t di ko magawa
Patayin ang telepono’t ipikit ang mata.
Sawang-sawa ka na sa araw araw mong ginagawa
Gusto mo na sana ng bago, kaso.. wala.

Gusto ko na magpahinga, pero di makapikit
Gusto mo na lumaya, kaso wala pang kapalit.

😴

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s