11/365 izquierda

Mula nung lumipat kame ng bahay which is just in the neighboring barangay πŸ˜… , hehe, hindi ko na kinailangan magdoble doble ng sakay tuwing pumapasok sa umaga at uwi sa hapon.

Dati: From bahay, sakay ng tricycle hanggang palengke, tapos sakay ng jeep pa-City Hall, then sakay ng jeep pa ulit pa-Quezon Ave. MRT Station. Kapag naman pauwi, from MRT North Ave., sakay ng jeep tapos baba, then tricycle.

Ngayon: From bahay, sakay ng jeep tapos baba ng North Ave. MRT Station. Reverse lang nyan ang pauwi.

Di ba, laki ng difference? πŸ˜‰

Pero hindi tungkol sa pamasahe and/or haba ng biyahe ang post na ito.

Wala. Mema lang. Mema-kwento lang. πŸ˜…

Ganito. Target ko araw-araw ang makarating sa opisina by 6:30AM o mas maaga pa, kung kakayanin. Kaya naman I make sure that by 4:30AM, eh nakaalis na ako ng bahay.

Izquierda.

Please correct me if I’m wrong. Sa pagkakaintindi ko, ito yung kapag hindi pumipila ang jeep. Di mo narin kelangan pumila dahil aabangan mo na lang silang dumaan.

Sa aga ng alis ko sa bahay, yan ang nasasakyan ko dahil nadadaanan na lang din kame ng mga bumibiyaheng jeep.

Mabilis ang biyahe sa ganun kaaga. Lalo na kung along the way eh marami-rami naring mga pasaherong nakaabang sa jeep sa bawat kanto.

Pero minsan, may araw na mangilan-ngilan pa lang. Baka naman na-late sila ng gising, di natin alam. Hehe.

At ganyan kaninang umaga.

Kapag pa naman medyo kaunti palang ang pasahero ng jeep, the jeepney drivers tend to tarry at certain points along the way. Mga 1-2 minutes silang hihinto sa isang kanto para maghintay ng dagdag na pasahero γƒΌna honestly, minsan nakakainis kase wala ka namang makitang taong naglalakad na sasakay para hintayin nyo pang lahat.

I think that was how we, hurrying passengers, earlier felt. Then at one of the stops, one passenger γƒΌa woman, made a comment to the driver.

Manong wala namang sasakay *😏*

Unexpectedly, Manong answered back:

Nagbayad ka na ba Ma’am? (“hindi pa” sagot ng Ale)

Nagmamadali ka ba? Ang konti konti nyo, ibibiyahe ko kayo sa MRT. Hindi mo naiintindihan yung mga pinagdadaan ng mga driver eh.

*awkward silence followed*

The jeep did not budge. Buti na lang may sumakay pa na tatlo bago umandar ulit. Sa inis ni Manong, hinarurot nya yung takbo. Napa-kapit ako sa bilis ng ng jeep. 😱 Oh Lord. Sinarili na lang sana nung ale yung comment nya. πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ

That’s when I realized something γƒΌ that one inconsiderate comment may have cost lives. Grabe ko ba mag-isip? Pero totoo, hindi ba?

Pano kung sa inis ni Manong, nawalan sya ng preno sa pagharurot nya, or sa sobrang bilis eh makabangga sya, or tumaob yung jeep, at naaksidente kameng lahat? Just because we did not have enough patience to bear with the driver.

Paano na?

Today’s a lesson learned, hopefully for everyone inside the jeep earlier γƒΌ we are all fighting our own battles. Try a little to understand that others may be fighting harder battles than us.

Buti na lang we’re safe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s