kapag gusto

Pag di kayang abutin, tumingkayad
Pag di kayang sabihin, isulat
Pag gusto, lahat naman magagawan ng paraan
Pag gusto, kayang-kayang kamtan

Hindi kelangan magmadali, mag-apura
Lahat ng bagay makakamit pag panahon ay tama na
Hindi ibig sabihin na pag di nakuha ngayon
Ay di mo na makukuha habang panahon

Mas masarap tamasain ang bagay na pinaghirapan
Ang bagay na nakuha lang basta, mas madaling masayang
Ang mga pinaghirapan, mas aalagaan
Dahil alam mong bago ito nakuha, madami munang napagdaanan

Hindi tulad ng mga bagay na nakuha ng madalian
Ipinagwawalang-bahala kung minsan
Hindi ba’t mas nakakataas-noo ang malaman mong nakuha mo dahil pinagpaguran
At hindi nakuha dahil hiningi nang di pinaghirapan.

Kapag gusto, paparaanan mo.
Kapag dinahilanan lang, baka di ganun ka-importante sa’yo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s