to the graduating, from a graduate

Post #17

Uy, ikaw,

Bukas, o ilang araw pa siguro mula ngayon, ga-graduate ka na. Ga-graduate na kayo. Ilang taon din ang binuno mo sa pag-aaral, ilang taong tumira sa skwelahan, at ngayon nga.. ngayon na nga ang panahon para lisanin ito.

Sa humigit-kumulang labing-apat o labing-limang taon mo sa paglalabas-masok sa skwelahan, siguro naman marami ka naring natutunan, kahit na ilang beses mo na ito paminsan-minsang kinasuklaman.

Anim na taon na ang nakakaraan mula nung ako’y grumaduate. Sa loob ng ilang taon sa skwela, aaminin kong ilang beses ko na rin itong kinabwisitan. Ilang beses ko naring minura sa isip ko ang hirap ng Calculus, ng Automata, ng Java,  na hindi ko alam kung ano ba talagang koneksyon nun sa buhay ko. Ilang taon akong naghirap sa PE para lang ipasa ang basketball, volleyball, at ang pinaka-bangungot kong swimming.

Sa ilang taong nilagi ko sa skwelahan, ilang beses ko na rin gustong madaliin ang panahon para makaalis na duon. Ilang beses ko naring sinabing

Ayoko na mag-aral. Sana graduate na ako.

Naranasan ko rin ang tumakas sa isang klase. Minsan, dahil wala akong assignment, madalas dahil sa takot sa terror kong PolSci prof (“bestfriend” ko daw)  na di mo alam kung gustong gusto lang nya talagang inaasar ako, at pati un bwisit na NatSci prof na kinalaunan eh parang nahipan ng hangin at biglang bumait, ngumingiti na sa wakas at nag-bibiro pa na wala man lang matawa ng tawa talaga dahil ilang parin sa kanya.. hahaha

Naranasan ko rin ang mapagalitan dahil lang sa pinanindigan ko ang sagot kong saksakan ng mali dahil di ko naman pinaalam na “ay, sir, absent po ako nung tinuro nyo un”.

Kalahati siguro ng mga nararanasan o naranasan mo (at ng iba pang estudyante) ngayon, napagdaanan ko na din. Mas madami pa nga siguro kame ng mga kaibigan kong idinahilan sa mga sarili namin kung baket gusto na naming makatapak sa labas ng skwela.

Anim na taon na mula nuon. Sa unang ilang buwan pagkatapos nung araw ng graduation, paghahanap naman ng trabaho ang inatupag ko..

Hindi pala nawawala ang problema paglabas mo ng skwela.

Dahil pag nagka-trabaho ka, sa una lang masaya. Unang sweldo. Sa mga susunod na taon, pag sanay ka na.. pag naumay ka na, muli mo ulet sasabihin ang mga nuo’y sinabi mo narin nung nag-aaral ka pa:

Monday na naman??? Sana weekend na lang ulet.

Napapagod na ako.

Ayoko na.

Nun mo marerealize masarap parin pala ang mag-aral. Hindi natatapos sa pagtatapos ang kalbaryo mo sa buhay, dahil paglabas na paglabas mo, pagkatapos mong i-celebrate ang isa sa mga napakalaking achievement mo bilang isang estudyante, pag-gising mo kinabukasan, umpisa na naman.. BAGONG BUHAY na naman.

Ilang daang rason man ang meron ka nuon para gustuhing makapagtapos na, pagtapak mo sa real world, iisipin mo rin ang Milyong rason kung baket mas masaya parin sa skwela. 😉

O sha, babatiin na kita,

MALIGAYANG BATI SA IYONG PAGTATAPOS! 🙂

MABUHAY KA! \O/

Nanggugulo,

Ako

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s