tula ng tulala

Post #5

Sa loob ng kwarto nakatunganga
Sa harap ng kompyuter nakatulala
Hindi maisip ano’ng gagawin
Nasilip ko na sa facebook ang lahat ng pwede kong silipin

Bukas ang bintana, masarap ang hangin
Sarado ang electric fan, sa notepad nakatingin
Titigil sa pag-type para mag-isip ng linya
Linyang sa tulang ito tutugma sa nauna..

At dahil tinamad akong sagutin ang topic sa araw na ito
Tutula na lang ako ng walang kwenta, wala ring kwento
Kelangan ko lang maka-survive sa challenge na napasukan
Pagsusulat naman ito, kaya dapat walang urungan.

Haay buhay, bakit ganon
Baket sinisisi ng ibang lahi ang nangyayari ngayon, sa Hapon
Wala namang may gusto (at sino namang may gusto?) na magka-tsunami??
Ba’t di na lang umisip ng itutulong, kesa mag-isip kanino isisisi.

Lahat ng nangyayari ay may dahilan
Wag din nating isiping ito ay kaparusahan
Epekto ito, aral na rin mabuti man, o masama
Ng mga kung ano mang ating ginawa o ginagawa..

😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s