"para, teka lang po"

Kaninang umaga, actually kahapon na pala..
Sakay ng jeep, habang dinadaanan ang Visayas Ave sa Tandang Sora na dadaanan ang Project 6, may ale na biglang pumara sa tonong nagmamadali na..

“para, teka lang po”

“teka lang ho” sagot ni manong driver.

Napatingin ako dun sa pumara..

Habang papahinto na sa tabi yung jeep na sinasakyan namin pumara ulet sya..

“para po”

Sabay tayo, palabas ng jeep..

~~~
Binalik ko yun tingin ko sa labas ng bintana..
tapos bigla ako nangiti sa bigla kong naisip..

tayong mga pasahero at ang driver..
ay parang tayo at si Lord..
ang Jeep, ang buhay..

si Lord ang nagmamaneho,
at dadalhin nya tayo sa lugar na gusto nating babaan.. kahit saan
Alam nya kung san tayo ibababa,

kung saan yung tamang dapat nating babaan..

Katulad nung ale na pumara, minsan ganun din ang tao..
Marunong pa tayo sa Driver..

Pilit tayong papara kahit di pa oras para bumaba..
Atat tayo.. Atat ang tao..

At dahil matigas ang ulo ng tao, minsan napapahamak ito..
Ayaw kase makinig sa driver.. minsan tayo pa ang galit.. tayo naman ang mali..

Ilang pasahero na ba ang muntik madisgrasya habang bumababa ng jeep nang hindi pa ito humihinto..?

Ilang beses na ba tayo muntik mapahamak sa pagsuway..?

Minsan parang wala tayong katiwa-tiwala sa driver..

Minsan kinukwestyon ang nagmamaneho ng “jeep” natin..

~~
Bigla ko naalala yung isang kanta ng Parokya Ni Edgar..
ang title “IISA LANG”..

Tuwing naririnig ko ang kantang to, feeling ko may part na message galing kay Lord..

“Nasan na tayo
Hindi ba tayo nawawala
Tabi mo muna yung auto
Parang gusto ko na’ng bumaba
Ayoko sana’ng huminto ngunit masyado nang malayo
Pano kung di na tayo muling makabalik”

yan ang karaniwang tao..

sumagot un nagmamaneho:

“Wag kang matakot
Ako’ng nagmamaneho..wala kang dapat alalahanin
Dadalhin kita kahit saan mo man gusto
Kahit san tayo magpunta, hindi ka lalayo..”

sana sa susunod, matuto tayong maghintay..

alam naman nya kung saang lugar natin gustong pumunta..

pero hindi lahat ng gusto nating bababaan, eh tama..

Advertisements

4 thoughts on “"para, teka lang po"

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s