The 30-Day Photo Challenge – Day 20

A picture and a letter.

image source

and the answer is: Japan! ♥

I couldn’t think of any picture to represent Japan, kaya Tokyo Disneyland na lang..! ikitai!!! 🙂

iba pang places sa Japan na gusto ko masilayan:

  • Universal Studios! haha!
  • Shibuya — gusto ko makita un statue ni Hachiko.. (tama ba?) 🙂
  • Tokyo Dome at lahat ng Dome — para sa concert ni Yamapi/NEWS.. wahaha
  • Chiba – kase dyan ang home town ni Yamapi.. hehe
..mag-iisip pa ako ah.. 

di naman bawal mangarap, diba..? hehe

ZETTAI IKITAI!! 🙂

that’s it. my day20 photo.. 🙂

Tokyo ikitai!!! ♥



Advertisements

[Book Quotes]: ABNKKBSNPLAKo?! by Bob Ong

Sari-saring quotes mula kay Bob Ong sa kanyang librong “ABNKKBSNPLAKo?! Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong”

ABNKKBSNPLAko?! - Bob Ong

ABNKKBSNPLAko?! - Bob Ong

Minsan masarap mag-review.

Masarap maging Grade I… Ang sarap ng pakiramdam lalo na pag kaya mong mag-count down from 100 to 1, o kaya e ‘yung tig-te-ten (10, 20, 30..), o kaya tig-pa-five (5, 10, 15, 20…) Akala mo solusyon na sa problema ng mundo ang pagbibilang.

Pero hindi biro ang pagbabasa, rite of passage ‘to pag natuto ka. Ibig sabihin nabinyagan ka bilang “literate“. Kaya mong magbasa ng mga kasinungalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa foreign movies, at ng mga vandalism sa upuan ng mga bus gaya ng “Bobo ang bumasa nito!

Minsan kahit maasim ang buhay at may daga, masarap pa ring tumaya.

Mula sa pagtawid ng kalsada hanggang sa pagtatayo ng building at negosyo, nakabatay sa Math ang mga desisyong ginagawa natin sa buhay araw-araw.

Wala nang kasunod na lesson ang “How to Tell Time.” ..Tama na sigurong malaman namin na lumalakad ang mga kamay ng relo at tumatakbo ang panahon.

Kung bibigyan ka ng isang bilyong piso pero  mawawala ang pamilya mo at hindi ka magkakaroon ng kaibigan, kakilala, at asawa sa buong buhay mo, papayag ka ba? E kung mapupunta sa ;yo ang lahat ng kayamanan sa mundo pero mawawala lahat ang tao dito at ikaw lang ang matitira, payag ka rin ba?

Masaya pag nakikita mong masaya ang mahal mo sa buhay, at masaya sila pag nakikitang nagtatagumpay ka.Pero kung ikaw lang at ang tagumpay — pangit! Walang kwenta.

Hindi maiiwasan sa buhay ang bagyo. Kahit sa classroom.

Sa elementary, may subject na  Good Manners and Right Conduct para magturo ng kabutihang asal. Sa high school, may School Regulations and Rules of Conduct para magturo sa mga walang natutunan.

Hindi lahat ng nabibigyan ng alias e terror. At hindi rin lahat ng terror e may alias.

Ayos ang reputation, pero hindi ang character. May nangangamoy politician.

May utak naman ako, pero pinili kong maging bobo. Aminado akong kasalanan kong maging late nung araw na yon, pero mas kasalanan ang hindi ko ipaglaban ang simpleng karapatan sa loob ng klase.

Ubos na ang gasolina. ‘Yoko na.

Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa ‘yo — ang sarili mo. Kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos, alam Niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.

..minsan sumagi sa isip ko ang isa sa mga gamit ng baril. Masyado na kasing maraming bura ang papel, hindi na pwedeng gamitin, dapat nang itapon sa basurahan. Hindi naman iiyak ang mundo para lang sa isang tao.

Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka.

Isa lang ang hiniling ko sa kanila: ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.

..may sarili din akong barko. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.

Natapos din ang unos. Pero iba na ‘ko nang makaraos. Iba na ang tingin ko sa mundo. ‘Yung ibang pananaw ko, bumuti, ‘yung iba.. hindi ko sigurado.

Patuloy man akong naghangad ng diploma, para na lang ‘yon may maitapal ako sa butas na dingding ng buhay ko. Kasi ritual ‘yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. At oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao.

Ngayong isa na ‘ko sa kanila, mas madali nang sabihing naiintindihan ko na.

Nakita ko rin ang dahilan para magtagal sa eskuwelahan.

Wala akong oras para magmuni-muni. Hindi ako binigyan ng pagkakataong umatras.

Para sa mga totoong guro, isang panibagong araw na naman ng pagpapalaganap ng karunungan at pakikipagtunggali sa kamangmangan. Para sa ‘kin, huling araw ko na sa mundo.

It’s a different world at the teacher’s table.

Mahirap ding maging “fair”.. Mahirap iwasan ang favoritism.

Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase ng high school students.

..posible ring hindi lahat ng uri ng estudyante ay makikita sa iisang klase.

Ang mga alam mo na dati, nababago. Ano man ang napag-aralan mo noon, dapat dagdagan.

Parang isang malaking pamilya ang klase mo at ikaw ang magulang. Ang problema ng bawat estudyante, problema mo. Ano mang makakaapekto sa pag-aaral nila, nakakaapekto sa pagtuturo mo.

Pag nabalanse mo ang lahat ng tungkulin at responsabilidad mo sa mga estudyante at katrabaho, isa lang ang premyo — respeto, na parang revolving fund na ipupuhunan mo na naman para makapagturo ka ulit kinabukasan.

Palagay ko, ang pagtuturo na ang pinakasagradong trabaho sa mundo. Ilang taon matapos matuto maglakad ang bata, ipinapasok na ito sa eskuwelahan at iniiwan sa pangangalaga ng teacher. Singkwentang bata ang ginagabayan ng teacher, singkwentang buhay, singkwentang pangarap, singkwentang pag-asa ng bayan. May kinalaman ang teacher kung ilan sa singkwentang ito ang mamumuno sa bansa, papatay ng tao, magiging artista, makakadiskubre ng gamot sa AIDS, magigingillegal recruiter, magiging tycoon, o magiging isa na namang teacher.

Ang totoo, bayani ang nakararaming Pilipino. ang problema lang e nasa Third World Country tayo, kung saan sa pagkakaintindi ko ngayon, ay may tatlong uri ng mamamayan: ang mahihirap, ang mas mahihirap, at ang mga makapangyarihang oportunista na may likha sa dalawa.

Kung kailangan mo ng pera, huwag kang magturo. Kung iisipin mong trabaho ang pagtuturo, mahihirapan ka,mission ito.. “vocation”.

Parang “Time’s Up!” ang reunion (high school), “pass your papers, finished or not!”. Oras na para husgahan kung naging sino ka… o kung naging magkano ka. Sino ang naging successful? Sino ang naging pinaka-successful?

Madaling isipin kung ano ang gamit ng pera, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ito ang maging sukatan ng tagumpay ng tao.

Mahihina pa ang katawan natin nang una tayong pumasok sa eskuwela. Mahihina na tayo pagkatapos nating magretiro sa trabaho. Lumalabas tayo ng bahay, papasikat pa lang ang araw. Bumabalik tayo ng bahay, papalubog na ito. Ganyan na lang yata talaga ang buhay ng tao.

Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya, na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume nya, at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo.

Hindi ba malaking pagkakamali ngmaraming eskuwelahan na gawing 0 to 10% lang ang ‘Character‘ sa computation ng grades, mas mababa sa Periodical Test (20%), Project (30%), at Class Standing (40%) gayongCharacter ang humuhulma sa tao, pamilya, bansa, mundo, at kasaysayan?

Nalaman kong ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi ‘yung makulay na murals na nakikita sa mga pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno, at mga bulaklak.

Hindi lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.

.,, habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fil-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ngsyllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tagning diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.

Nakabalik ako sa lugar, pero di ko na naibalik ang panahon.

Kung ang mga magulang na konti lang ang anak e nauubusan ng pasesya, paano pa kaya ang mga gurong sangkaterbang bata ang kaharap araw-araw?

Bawal ang tamad!

Maraming bagay ang naituturo ng mga teacher sa estudyante nang hindi sinasadya. Maraming bagay ang natututunan ng mga estudyante sa teachernang hindi nila alam.

..ang buhay sa kindergarten. Isang mabisa at huwarang gobyerno. Puno ng dangal at respeto. Minsan.

~*~*~*~~*~*~*~
ayus! hanggang sa susunod na libro..! 🙂


The 30-Day Photo Challenge – Day 18

A picture of your biggest insecurity.

 

hmm.. I wonder what it is.. coz honestly, I haven’t used that word.. really.. I don’t know if my friends have noticed it, but as far as I can remember, I haven’t really ever said something like “nainsecure naman ako dun”

hmmm.. hindi ko lang siguro alam pano gamitin? engot ba..?

hmm.. would you believe, I even searched for its meaning..?

hmm.. and based on what I understood, pwede kong isagot dito na DRESSES/SKIRTS..? hmm

those who know me, I bet know that I really don’t wear dresses..

I don’t have the courage, the confidence to wear them.. or hindi ko lang talaga ma-imagine sarili ko in a dress..

so,,,, tama ba ang sagot at pagkakaintindi ko..? :p