12-month Look Back

*Ang mga nangyari (may kabuluhan man o wala), mga natutunan at napagtantuan sa taong nagdaan* 

January
Went miles away from home for the first time with 4 of my close friends at work. Created an album titled “MaCeBo” which describes the tour we had- from Manila, then to Cebu, then Bohol, then back to Cebu, then back to Manila.

Napagtanto: I can dance tinikling in front of people i dont even know.. LOL
…kung masaya sila ka-work, mas masarap silang kasama sa harap ng sawa, sa harap ng tarsier, at during sa fiesta.. 🙂

February
For 24 years – 7 years sa elementary, 4 years sa high school, at isa pang 4 years sa college, halos 15 years na ako naka-attend (at never ata nakapag-absent) sa valentines day kahit na un ang araw na kinaayawan ko dahil sa activity na maiisip gawin ng mga tao sa paligid ko.. At biruin mong sa halos 15 years na iyon, nun lang ako nakabunot ng pusong may nakasulat na “Queen of Hearts”

Napagtanto: ..habang may hininga ka pa, may pag-asa pa ‘day! haha

Feb14 -i started calling the valentines day as “pupu day” just a pun of “puso day” and kept greeting anyone “happy pupu!”.. hehe

March
Woi! How could I forget! berday ni weswesley! It was March 6 after work when we suddenly decided to go out, play on the street while deciding where to spend the night at magpaabot ng March7 (wes’ bday).. the usual, dalawa lang kame ni cleigh na gelay na present (or does this mean out of ilang kameng girls sa group eh dalawa lang kame na talagang lakwatsera?) hehe! sana maulit muli..

Napagtanto: ..kahit san mapadpad basta kasama mo sila, san man un, masaya.. 🙂

April
JEL bonding moments.. or so I think it was in April.. hehe! lech un album ko bket walang date! hehe.. Went to Baguio, then 5-hour trip to Dagupan (sket sa pwet), then tryke naman to the Pulido’s humble home.. sayang di kame nakaligo sa paanan ng bundok.. dahil habang ang mga friends ni Lau ay nauna na sa bundok, kame ay tulog na tulog sa pagod.. sayang sayang! ..Ang magtrip kasama nung dalawa (Este and Lau), ay as uzzual, laging masaya.. kame-kame nag-aasaran, ang mapikon laging talunan kase wala na sya makakausap.. hehehe!

Napagtanto: ..ang friendship ay di nasusukat sa kung ilang taon na ang nadaanan, kundi sa kung ilang beses na muntikang mawala pero ilang beses na nasalba.. (charing)

May
Ang buwan na pinaka-stressful sa kasaysayan ng friendship.. masyadong mahaba kung ikukuwento ko ulet.. ang gusto ko lang matandaan, ay ang magandang nangyari tulad ng pagkakagawa ni wesley ng poem para sa amin nila cleigh, ang mga sunud-sunod na blog entries namin ni wesley na may kabuluhan.. haha..

Napagtanto: “perfection is the imperfection”.. haha.. gets mo?  basta kame nagets namin.. hmm pwede rin namang “when there is imperfection, then it is perfect”..haha mas lalong magulo.. basta basta! 🙂

June
Sa wakas, natapos din ang project na kung idescribe nila eh “abnormal na project” sa laki ng scope.. haha! nakakapagod pala sa abnormal na project..

Napagtanto: wala ulet.. haha.. pag mahirap ang gagawin mo.. wag mo na lang isiping mahirap nga.. kase mas lalo ka lang di makakamove-on, mas lalo ka lang matutulala sa harap ng monitor..pasasaan ba’t matatapos din ya’t babalik ka na sa pagiging tao..

July
“Kung gusto, may paraan..at madami tayo nyan”.. from here, nagstart and idea namin nina Laura at Estela to make each of our birthdays special and kakaiba.. Mafia + AnJELS = 1st wish granted! 🙂

Napagtanto: kung gusto may paraan, pag ayaw, may tampo” haha… joke! 🙂

August
Aug.1, suddenly remembered that exactly same day last year, nung naroll-in ako sa ibang planeta (which for 3 months became my 2ndhome).. hehe.. namiss ko bigla ang walang tulugan, idlip lang.. hehe

Napagtanto: wala.. ahaha.. minsan kahit gano mo sabihing ayaw mo na at wala ka namang mapapala, pag natapos mo na ang dapat mong tapusin, mapapagtantuan mo malaki pala ang napala mo.. 🙂 (walang kwenta naman un sinabi ko..) haha

September
(Laura + Jokel – Estela) + EK = half-filled happiness! 2nd wish granted! 🙂 ..kahit wala si Estela (dahil busy sya sa paggawa ata ng wala) ..hehe peace! ay nagawa parin namin ni Laura na magliwaliw..

Napagtanto: “kung gusto may paraan, pag hindi pwede, may next time pa naman..” ^,^

October
Ka-buwanan ko to! haha.. 3rd wish postponed dahil sa unwanted circumstances… but i managed to be happy because i deserve naman to be! haha..adik lang..

Napagtanto: “kung gusto maraming paraan, pag di nagreply sa ym, may tampo”..haha adik!

November
Jokel + Estela + Laura + Manila Ocean Park + water ball = 3rd wish granted..! sa wakas! weee! sa lahat ng nagtry sa water ball na puro less than 10 years old ata, ako lang un 25 yrs old na nagpakasaya.. haha

Napagtanto: ako ang babaeng version ni peterpan.. hahaha! “a girl (landi! girl ka jan!) who doesn’t want to grow old”

Highlight: nakilala ko si Yamashita “yamapi” Tomohisa..wahaha..!

December
Unang beses ko ginamit ang katagang “LOL” (dun sa taas tingnan mo).. Naadik na ako kay Yamapi.. Napa-order ako ng CD at one-sided earring nya.. Napapaonline ako sa araw araw hindi dahil masisira na un niluluto ko sa cafeworld (na dati kong dahilan), kundi dahil para makarami ng download ng video clips ng NEWS at ni Yamapi.. hahaha!

Napagtanto: fangirl na daw ako.. at apat na un nagwewelcome sa akin sa fangirling.. hahaha!

Pahuling salita:
.Tapos na ang 2009.. Ang bilis ng panahon.. Ang daming nangyari.. pagtapak natin ng 2010, iisipin mong ambagal na ulet ng oras, pero di mo mamamalayan, ilang tulog lang ulet, haharapin mo na naman ang eksaktong araw na ito-huling araw ng taon, at susulat ka na naman ng kung ano ano tungkol sa nagdaang taon..

HAPPY NEWYEAR! 
Omedetou minna-san (everyone)! <.^)