hanapin mo happyness mo.. ^. (mauna…… una! mahuli…..taya!)

May gusto kang gawin, di mo magawa.. Atat ka nang simulan un gusto mong gawin pero di mo naman magawang simulan.. Marami kang gustong gawin na hindi pa nagagawa ng karamihan, pero dahil takot kang mauna, hindi mo magawa.. so, maghihintay ka na lang na may makaisip na gawin un gusto mong gawin, para magawa mo na sya..

Pano kung walang makaisip na gumawa ng bagay na gusto mong gawin..? Ayaw mo na? Buburahin mo na sya sa listahan nga mga gusto mong gawin..??

Karamihan sa atin, ganito. Marami tayong gustong gawin, pero dahil sa takot na baka masita if ever, or mahusgahan, maghihintay na lang tayo ng taong unang susubok, aabangan kung anong magiging epekto (kung mapapagalitan ba sya dahil sa ginawa, o mapupuri, o mahuhusgahan ng either mali o tama), manunuod habang tayo nagdadasal na “sana okay lang.. pag hindi sya nasita, ako din gagawin ko..”

Pag may magandang nangyari dun sa taong un, agad mong sasabihin na gusto mo nang gawin ang ginawa nya,.. pero,

Pag may nangyari na di ka-gandahan, sasabihin natin “buti na lang di ko ginawa..” (sabay tawa)

Baket di natin minsan subukang mauna..?

Ano’t ano man ang mangyari pagkatapos, may matututunan ka naman.. diba..?

Sabi nga nila, do it the moment you thought of doing whatever it is.. wag mo na hayaang lumipas ang araw, at mawalang parang bula ang lakas ng loob na meron ka nung maisip mo gawin ang isang bagay na gusto mo.. na talagang makapagpapasaya sa’yo ng todong-todo..

Minsan masaya mauna, una kang kinabahan, tpos nun wala na, kesa un magpapahuli ka pa..

..?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s