Blind Spot: ikaw ang api sa sarili mong nobela, ikaw ang bida sa sarili mong istorya

“ako ang api, ako ang tama.. kawawa ako, kinakawawa nila ako” –yan.. para kang kabayong isang direksyon lang ang pakialam -harap lang ang nakikita, wala nang kanan, wala nang kaliwa.. “ako lang ang dapat intindihin kase ako ang bida sa sarili kong kwento”

iba ang hindi mo makita, sa ayaw mong tingnan.. iba rin ang hindi mo makita sa nakikita mo na, pero ayaw mo lang tanggapin na kita mo na.. mahirap makita ang isang bagay lalo na kung nagbubulagbulagan ka lang.. gets mo ba?

isa pa..one more time.. magkaiba ang “hindi mo maintindihan” sa “ayaw mong intindihin” ..yan.. gets mo na..?

minsan, when we feel that people around us don’t treat us nicely, we think that there’s something wrong in them.. na mali sila for treating us that way, na hindi nila tayo maintindihan kaya ganun treatment nila sa atin, na sila mga naglalakad na EWAN t tayo ang matino.. na sila ang may problema at hindi tayo..

hmm.. natural lang sa natural, at normal lang na isipin natin na tayo ang tama at sila ang mali sa pagtrato nila sa atin, normal lang ang isipin ang ganun kase nga mind set natin is “ako ang api, ako ang tama, ako ang nasa lugar”..

pero, have we tried to look at the situation not from the position where we are..? have we tried to be on other people’s shoes to realize that there are things we’ve been missing..? baka nga naman tama or may reason talaga sila for acting that way towards us..

pano nga naman natin makikita if we refuse to see things na nakikita ng iba.. pano nga naman natin maiintindihan kung ayaw naman natin talagang intindihin..

minsan para tayong mga kabayo lalo na pag ayaw na nating makinig sa mga sasabihin ng iba.. isang direksyon lang ang nakikita.. kung ano ang nasa harapan un lang ang pinagtutuunan ng pansin.. the rest? blind spot na.. kung hanggang san lang ang abot ng tanaw natin, un lang at dun lang tayo may pakialam..

diko alam pero kumbaga sa picture.. let’s say picture mosaic.. kung titingnan mo lang talaga siya, isang muka or isang picture lang ang makikita mo at kahit na anong pilit sa’yo na there’s more to it than just a plain picture, hindi ka na makukumbinsi kase nga kung ano lang un nasa harap mo yun lang ang pake mo.. but if you’ll look at the picture more closely, you’ll discover and realize that there’s more to it pa pala..

yan ang natutunan ko sa Monalisa Smile, don’t just look at the picture, look behind the picture.. parang sa Patch Adams din na sabi nung isang matanda “try to see what others don’t see or refuse not to see”..

madami kaseng mga bagay na hindi natin nakikita at madalas ayaw nating tanggaping nakikita na natin un dapat nating makita.. one of the reasons for this is that ayaw natin malamang may mali rin tayo..

minsan feeling natin we already look good.. kase tayo un eh.. eto tayo, un pala may uling pala tayo sa muka.. ayaw nating maniwala sa iba na may dumi tayo.. alam natin malinis tayo kase hindi naman natin nakikita..

minsan kelangan natin matutunan na may mga bagay na nakikita ng iba na hindi natin nakikita.. at di natin makikita ito hangga’t di natin binubuksan un isip natin sa katotohanang hindi lahat alam natin tungkol sa sarili natin at sa ibang tao..

Advertisements

2 thoughts on “Blind Spot: ikaw ang api sa sarili mong nobela, ikaw ang bida sa sarili mong istorya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s