Pato.

Pato. (Sometimes we don’t realize that the things or person that makes us happy have been there all along)

Meron akong pato, hulaan mo kung san nakatago.

Pato. Sa karamihan ng mga larong-kalye na nilaro natin nuon at nakikitang nilalaro ng mga bata ngayon, eto yung ginagamit na pampaswerte sa pagtira. Sa larong teks, larong holen, o kahit sa larong pag-alog ng tanzan meron nyan. Eto yung isang piraso ng teks, o tanzan na hinding hindi pwedeng piliin ng iba dahil napili mo na. “Pato ko ‘toh. Akin ‘toh” kumbaga. Eto kase minsan un nagpapanalo sa atin sa laro. Nang dahil sa pato na ‘yon, dumami ang teks mo at naubos na lahat ng pusta ng kalaban mo.

Shempre, darating din sa course ng laro na iyon na matatalo ka. Hindi naman kase sa lahat ng pagkakataon mananalo ka, at hindi rin sa lahat ng laro may laban ka kahit na sabihin mo pang swerte syo un pamatong gamit mo. At minsan sa mga times na feeling mo eh parang napapadalas na yun pagkatalo mo, di mo maiiwasang isipin na ang pamatong minsang naging swerte syo eh minamalas na ngayon.

At dahil sa sunod-sunod na pagkatalo, mapipikon ka. Maiinis ka. Ayaw mong umayaw sa laro dahil baka sabihin nilang duwag kang ilaban lahat ng kaya mo pang ipusta. Higit sa lahat, ayaw mo umayaw dahil natatakot ka lang na makita ang sarili mong kinakain na ng hiya dahil sa pagkatalo. Isa na lang sa dalawa ang pwede mong gawin – mag-suggest ng ibang laro, o ang magpalit ng pamato.

Darating sayo un time na kada- or tuwing matatalo ka na lang, eh magpapalit ka na agad ng pato kahit na hindi pa man din nag-iinit sa laro un patong ipinalit mo. Pag nanalo ka sige un parin, pero pag natalo, palit na ulet agad.

“Palit ka kase ng palit eh. Kita mo ko kahit natatalo ako eto parin gamit ko.” –yan ang minsan narinig ko nuon na sinabi skin nung madalas pako maglaro ng kung ano mang may pamato, at yan din ang sinasabi ko ngayon sa mga batang nakiktia ko habang pinapanuod silang maglaro.

“Palit ka kase ng palit. Wag ka kaya palit ng palit. Pag yan na ang pato mo, wala nang palitan.” –hindi ko naisip na may sense din pala ang statement na ito hindi lang sa laro-larong kalye. Totoo rin pala ang statement na ito sa Laro ng Buhay (lalim!).

Bigla na lang kase pumasok sa isip ko yan sa mga nangyayari ngayon, at sa mga taong nakikilala ko, at lalo na sa sarili ko.

Narealize ko na hindi solusyon ang magpalipat-lipat o magpapalit-palit ng pato para lang hanapin un saya na hanap ko. Gets mo? Dahil kung saya rin lang naman ang hanap ko, masyado pang maaga para bumigay sa paghahanap nito sa lugar na pinamumugaran ko ngayon.

Walang swerte o malas sa mundo. Sabi nga nila,kung meron mang swerte o malas, ikaw lang yun. Ikaw ang swerte at malas ng mundo mo. Hindi ang swerte o malas ang may hawak ng buhay mo, kundi IKAW lang. Ikaw lang ang gagawa ng paraan kung pano magiging swerte o malas ang mangyayari sayo.

Ako, nagkaron na ako ng tendency na once na hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari sa akin at sa paligid ko, aalis ako. Ilang beses na nangyari yan. Kumbaga sa laro, ilang beses narin akong nagpalit ng pamato dahil lang sa nagsawa na ako.

Ngayon ko lang narealize na hindi pala dapat ganun. Dahil kung ipagpapatuloy ko ang ganung sistema –aalis pag di na masaya, aalis pag di na kuntento, gi-give up pag di na kaya. Eh sinong natalo? Sinong napagod? Ako lang din, diba?

Naisip ko na hinding-hindi talaga ako sasaya kung ganu’t ganun ang gagawin ko. Gets nyo pa ba? Kase baket? Dahil ang mga taong hindi masaya, ay yun mga taong who never finds contentment. Gets mo na? Sila yun mga taong walang kakuntentuhan sa buhay, lagi na lang may sinasabi at hindi na naubusan ng reklamo sa katawan na lagi nalang may napapansin sa iba at kahit sa ginagawa nila. Silang mga hindi makuntento at laging nakakunot ang nuo –sila ang mga taong hindi masaya.

Nung matapos ko basahin un The Alchemist ni Paulo Coelho, napangiti ako at napabulong ng “Astig..!” at the same time natawa ako dun sa bidang si Santiago na naglakbay ng sobrang layo para lang hanapin un hinahanap niya only to find out na un huling lugar kung san niya nahanap finally un hinahanap niya eh yun din yung exact na lugar kung san sya nanggaling before he even started his journey.

So, sana gets nyo na… J

ikonek niyo na sa work at lablayp at kung san pa siya pwedeng ikonek:

Minsan ang layo ng tingin natin na we don’t realize that the things or persons who make us (or would make us happy) have been there all along.. 🙂

Ako, meron akong pato at kahit na anong mangyari hinding-hindi ko na ito papalitan.

Ikaw, anong pato mo..?  🙂

 


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s