hate you

 

hate you when you’re late
makes me wonder where you are
hate you when you’re quiet
makes me shut my mouth for a while

hate you when you won’t talk
hate you more when you won’t laugh
hate you when you’re near
and yet you seem so far

hate you when you’re not around
and sometimes even when you are
hate you when you care too much
hate you for just being there..

hate it when i say i hate you
and when you guess right that what i hate is you
but i hate myself for hating you
and the fact that i cant tell why i do.

 

sige na, sige na

 

Batung-bato’t walang magawa

Magdamag nakahilata
Buong gabing naghihintay
Sa kanyang walang malay..

Kain dito, nguya nang nguya
Lumipas ang oras na walang napala
Magparamdam ka naman, sige na sige na
At nang ako’y di na mag-alala

Tingin sa oras, di mapakale
Para nang pusang di maire
Isang pansin lang, sige na sige na
At nang ako’y matahimik na..

Sige na sige na
Pagbigyan mo na nga
Isang “hoy”, o “pst” o kahit isang “hi”
Kausapin mo na itong makulet na hintay ng hintay….
Sa’yo nang hindi mo alam..ikaw na walang malay..

 

 

As the year ends..

The year that was..ilang days na lang at ang 2008 ay magiging bahagi na ng ating past. Past that we may either consider fun to reminisce or waste of time to even look back at. Haaay… para sa akin, 2008 now becomes my favorite year. Dami kaseng nangyari bukod sa dumami yun bilang ng friends list ko sa Friendster at sa totoong buhay ;).. isama mo na ang mga patayang experiences para lang mabalanse ang buhay in and out of work.. hehehe..

On work, and life, and work-life:

  • Natutunan ko ang ipaglaban ang kung ano mang bagay na sa tingin ko ay tama. Nalaman ko na minsan, hindi mali ang sabihin sa kanya na mas “may alam” daw na mali siya..
  • Nalaman kong hindi lahat ng Experts alam lahat.. minsan may isang naliligaw.. *badko*
  • Natutunan ko na hindi sa lahat ng bagay maganda ang “copy-paste-replace all ”, minsan nakakahiya ito lalo na pag ang pinagkopyahan mo eh mas mababa ang pedestal na kinatatayuan kesa sayo..
  • Narealize ko na minsan hindi masamang magsabi ng “No” lalo na kung hindi ka sigurado sa papasukan mo.
  • Hindi rin masamang magsabi kung ano ang nasa loob mo. Mas nakakatulong pa nga iyon para malaman nilang hindi lahat ng pinapagawa syo eh kaya mo at kakayanin mo.
  • Sa huling project ko, natutunan kong walang “NO CHOICE” sa mundo dahil lagi tayong meron nun, at madami tayo nun. Dahil nung mga panahong un, lagi ko sinasabi sknila tuwing naririnig ko silang magsabi ng “wala naman tayong Choice eh”, sagot ko “ooOps! MERON tayong choice! May choice tayo na wag na lang pumasok, o kaya wag gawin ang task, PERO un nga lang, HINDI pwede..meron tayong choice minsan nga lang hindi pwede un choice na pinili natin kaya we end up with the choice we don’t want to choose.

On relationships:

  • Hindi lahat ng taong kinainisan mo nuon, eh kaiinisan mo na forever. First impressions don’t really last. Ang taong dating kinainisan mo, will later on turn out to be someone na isa na sa mga taong gusto mong kausap at kasama, like madam Christy! Miss ko na siya.. hehehe.. OT nights, mumu midnights, f&s weekends sa last project..hehe
  • Narealize ko na pwede pala akong makaimpluwensya ng tao na magbasa ng libro at magkaron ng isang paboritong libro(ayon narin kay Bob Ong..hehe), at the same time meron din pala silang natutunan sa akin kahit na hindi work-related.J
  • Hindi masamang magsabi na hindi ko na kaya, at hindi masamang humingi ng tulong sa iba.
  • Kung gusto mong respetuhin ng iba, kelangan mo munang ipakita na nirerespeto mo sila.

 

On trusting:

 

  • Minsan, mas pinapahalagahan ang tiwalng ibinigay ng kusa, kesa sa tiwalang ipinilit lang na makuha.
  • Huwag matakot na magtiwala. Ugaliing magsabi ng “I trust you”, dahil mas gugustuhin ko pang pinagkakatiwalaan ako kesa ang mahalin pero may doubt. hehe
  • Hindi rason ang pagiging magkaibigan para hindi mo siya “bustedin” nang dahil hindi naka-lock ang pc niya (think secure..hehe). Gawain kase sa ross ang pakelaman ang email at magsend sa buong ross project na hindi ka naglock ng pc.. like  “[busted] ang cute cute ko” ..hahah..kakaaliw!
  • Sa pagtitiwala, once na sinabi mong naniniwala ka at pinagkakatiwalaan mo ang isang tao, wag ka nang magduda.. para san pa ang sabihing I trust you kung maghihinala ka rin naman..
  • Ang feedback na hindi maganda sa pandinig natin ay hindi dapat pangalanang ka-traydoran nang dahil lang ang nagbigay nito eh itinuring mo nang kaibigan.

On Loving:

  • Masaya ang magmahal, lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo.
  • Hindi dapat minamadali ang pagboboypren or paggegelpren. Sa mga kakilala kong parang minadali lang ang pagkakaron ng relasyon, sa mga biglaang naging “sila”, ayun, biglaan ring naging “hindi na sila”.
  • Kapag nasa’yo na ang taong mahal mo, gawin mo lahat ng mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. Iwasan ang mga bagay na makapagpapasama ng loob nya.
  • Hindi ibig sabihin na kapag mahal ka at alam mong di ka niya matitiis, eh pwede ka nang gumawa ng kasalanan dahil lang sa alam mong isang “sorry” lang eh lalambot na ulet ang puso niya. Mahiya ka naman.
  • Ang second chances ay pang-second lang. Wala na dapat pang-3rd, 4th, 5th….nth. Dahil kung hihingi at hihingi ka ng chance, lalaki rin ang chance na hindi ka na sa susunod mapagkakatiwalaan to have it.
  • Just because two people seem to be so sweet w/ each other doesn’t mean there is “something” between them. Minsan, nagkataon lang ang pagkakataon na pagsamahin ang dalawang sweet na tao. What you see in them is only them being their selves. J Baka nagkataon lang siguro na pareho silang sweet and loving.. *haay… kulet niyo kase eh.. sweet and loving lang kase ako..* J hahhaha!
  • Never be attached to someone easily because sooner or later they might leave (or you might have to leave them) and there’s no guarantee they’ll ever come back..—nagawa ko to nung may aalis, pero sabi nya “there’s no guarantee but there’s possibility”..at meron nga.. hindi na natuloy ang pag-alis nya.. still, ang lesson learned ko dito eh wag masyado maging attached. J
  • Hindi porke alam mong mahaba at gano man ka-bottomless ang patience nya sayo eh you’ll take the risk na ubusin ito. Magsisisi ka pag dumating sa point na naubos mo na at hindi mo na kayang re-fill-an..
  • Love the person you are with right now, for when the time comes that they have to leave whether they want to or not, you can never have someone to replace them.  If single, love the people who loves you. Ingatan mo sila tulad ng pag-iingat nila syo.

On Friendship:

  • Nakakatuwang isipin na minsan kahit gano kabigat ang ilang factors para umalis ang isang tao, lagi paring kasama sa consideration nya ang mga simpleng bagay tulad ng “friends” na kasama sa equation  ng decision niya kung aalis ba siya o hindi.
  • Nakakatawang malaman na parang nakadagdag pa sa confusion ang isang opinion na ang sabi ko lang naman eh “..pero.. pwede bang wag na lang..?”
  • Lastly on friendship: Hindi nasusukat ang kaibigan sa height, sa weight, etc, kundi sa dami ng paper planes na napilitan siyang gawin (kapalit ng isang bopeep) para itigil mo na ang pagmumukmok mo, kundi sa dami ng fries na handa nilang i-share para lang sumaya ka, sa pag-alok ng coke float tuwing alam niyang stress ka na, sa pagbigay syo ng favorite mong tortillas (nabawasan tuloy un food sa bin nya), sa pagiging thotful by surprising you (dahil alam nilang sobrang busy ka at di mo na magawang tumayo) with a drumstick ice cream from ministop at ipagkalat sa buong floor na birthday mo kahit hindi, –all these just because they care.. *tats ako*

And.. On myself:

  • Narealize ko sa sarili ko na sobra pala akong maattach sa isang bagay na ultimo paper plane na nawala eh pinagmumukmukan ko. Naisip ko pano pa kaya kung tao siya.
  • Nadiscover ko na kaya ko palang maglaro ng GESTURES..siyet..first time ko maglaro ng sharrades.. never ako naglaro ng sharrades na ako un magbibigay ng clue.. huwaw marunong pala ako nun.. nangyari ito nung nag-team building nung January ang RWMS-Cairo sa Somer Set sa Makati..
  • Nahanap ko ang trabahong sigurado akong mageenjoy ako.. ang maging QA, tester, panira ng buhay ng developer, etc. Nalaman kong ito ang destiny ko.. at dito ako mas sasaya.. hehehe
  • Narealize ko na nag-iimprove na ako sa favorite sport ko—ang Badminton! J
  • Lastly, I learned na hanggang nasasabi kong masaya ako w/ the people around me, hindi ko pa nanaising umalis at mangibang pugad.

*all these have made me braver and stronger than I was a year ago.. 🙂


Pato.

Pato. (Sometimes we don’t realize that the things or person that makes us happy have been there all along)

Meron akong pato, hulaan mo kung san nakatago.

Pato. Sa karamihan ng mga larong-kalye na nilaro natin nuon at nakikitang nilalaro ng mga bata ngayon, eto yung ginagamit na pampaswerte sa pagtira. Sa larong teks, larong holen, o kahit sa larong pag-alog ng tanzan meron nyan. Eto yung isang piraso ng teks, o tanzan na hinding hindi pwedeng piliin ng iba dahil napili mo na. “Pato ko ‘toh. Akin ‘toh” kumbaga. Eto kase minsan un nagpapanalo sa atin sa laro. Nang dahil sa pato na ‘yon, dumami ang teks mo at naubos na lahat ng pusta ng kalaban mo.

Shempre, darating din sa course ng laro na iyon na matatalo ka. Hindi naman kase sa lahat ng pagkakataon mananalo ka, at hindi rin sa lahat ng laro may laban ka kahit na sabihin mo pang swerte syo un pamatong gamit mo. At minsan sa mga times na feeling mo eh parang napapadalas na yun pagkatalo mo, di mo maiiwasang isipin na ang pamatong minsang naging swerte syo eh minamalas na ngayon.

At dahil sa sunod-sunod na pagkatalo, mapipikon ka. Maiinis ka. Ayaw mong umayaw sa laro dahil baka sabihin nilang duwag kang ilaban lahat ng kaya mo pang ipusta. Higit sa lahat, ayaw mo umayaw dahil natatakot ka lang na makita ang sarili mong kinakain na ng hiya dahil sa pagkatalo. Isa na lang sa dalawa ang pwede mong gawin – mag-suggest ng ibang laro, o ang magpalit ng pamato.

Darating sayo un time na kada- or tuwing matatalo ka na lang, eh magpapalit ka na agad ng pato kahit na hindi pa man din nag-iinit sa laro un patong ipinalit mo. Pag nanalo ka sige un parin, pero pag natalo, palit na ulet agad.

“Palit ka kase ng palit eh. Kita mo ko kahit natatalo ako eto parin gamit ko.” –yan ang minsan narinig ko nuon na sinabi skin nung madalas pako maglaro ng kung ano mang may pamato, at yan din ang sinasabi ko ngayon sa mga batang nakiktia ko habang pinapanuod silang maglaro.

“Palit ka kase ng palit. Wag ka kaya palit ng palit. Pag yan na ang pato mo, wala nang palitan.” –hindi ko naisip na may sense din pala ang statement na ito hindi lang sa laro-larong kalye. Totoo rin pala ang statement na ito sa Laro ng Buhay (lalim!).

Bigla na lang kase pumasok sa isip ko yan sa mga nangyayari ngayon, at sa mga taong nakikilala ko, at lalo na sa sarili ko.

Narealize ko na hindi solusyon ang magpalipat-lipat o magpapalit-palit ng pato para lang hanapin un saya na hanap ko. Gets mo? Dahil kung saya rin lang naman ang hanap ko, masyado pang maaga para bumigay sa paghahanap nito sa lugar na pinamumugaran ko ngayon.

Walang swerte o malas sa mundo. Sabi nga nila,kung meron mang swerte o malas, ikaw lang yun. Ikaw ang swerte at malas ng mundo mo. Hindi ang swerte o malas ang may hawak ng buhay mo, kundi IKAW lang. Ikaw lang ang gagawa ng paraan kung pano magiging swerte o malas ang mangyayari sayo.

Ako, nagkaron na ako ng tendency na once na hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari sa akin at sa paligid ko, aalis ako. Ilang beses na nangyari yan. Kumbaga sa laro, ilang beses narin akong nagpalit ng pamato dahil lang sa nagsawa na ako.

Ngayon ko lang narealize na hindi pala dapat ganun. Dahil kung ipagpapatuloy ko ang ganung sistema –aalis pag di na masaya, aalis pag di na kuntento, gi-give up pag di na kaya. Eh sinong natalo? Sinong napagod? Ako lang din, diba?

Naisip ko na hinding-hindi talaga ako sasaya kung ganu’t ganun ang gagawin ko. Gets nyo pa ba? Kase baket? Dahil ang mga taong hindi masaya, ay yun mga taong who never finds contentment. Gets mo na? Sila yun mga taong walang kakuntentuhan sa buhay, lagi na lang may sinasabi at hindi na naubusan ng reklamo sa katawan na lagi nalang may napapansin sa iba at kahit sa ginagawa nila. Silang mga hindi makuntento at laging nakakunot ang nuo –sila ang mga taong hindi masaya.

Nung matapos ko basahin un The Alchemist ni Paulo Coelho, napangiti ako at napabulong ng “Astig..!” at the same time natawa ako dun sa bidang si Santiago na naglakbay ng sobrang layo para lang hanapin un hinahanap niya only to find out na un huling lugar kung san niya nahanap finally un hinahanap niya eh yun din yung exact na lugar kung san sya nanggaling before he even started his journey.

So, sana gets nyo na… J

ikonek niyo na sa work at lablayp at kung san pa siya pwedeng ikonek:

Minsan ang layo ng tingin natin na we don’t realize that the things or persons who make us (or would make us happy) have been there all along.. 🙂

Ako, meron akong pato at kahit na anong mangyari hinding-hindi ko na ito papalitan.

Ikaw, anong pato mo..?  🙂