Post #114
27.
Sakto naman. Kung kelan ko naisipang mag-day challenge at binilang ang araw til my next beerday, eh saktong saktong 27 days bago ang ika-27th year ko sa earth..haha! at dahil dito, eh itutuloy ko na.. sayang naman ang kakaibahan nya.. haha
27 in 27.
So I posted on Facebook asking my friends to ask me questions, a dare, or anything to do in the coming days until the 16th of next month.
At para sa unang araw ng countdown ko………….
“Baket ka nagpa-tattoo?” -She
Yan ang unang reply na na-receive ko. Madami na rin ang nagtanong kung baket at ang lagi ko lang sagot eh “hmm.. wala lang.. basta” sabay-ngiti..
July 11 ako nagpa-tattoo.. Eksaktong isang linggo bago ang araw na yun, eh ang araw na may nalaman kame ng mga kabarkada ko na sobrang kina-apektuuhan ko. July 2 iyon. Alam ko, tandang-tanda nila Estela, Laura at Ate Andeng ang gabi na yun.
Anim na araw mula nung gabing yun, pinag-isipan ko talaga.. gusto ko umiyak. Gusto ko humagulgol. Hahaha.. Totoo.. Gusto ko ng physical pain para makapag-hagulgol ako. At isa lang ang tangin paraan na alam kong makakapag-bigay sa akin ng physical pain—TATTOO. Kaso hindi sya effective. Masakit nga ang tattoo, pero hindi parin yung sakit na hinahanap ko na makakapagpa-iyak sa akin ng todo..
Baket Yin-Yang?
Yin Yang kase ang unang-una kong naisip na design nung maisipan kong magpa-tattoo. Kase may koneksyon ito dun sa taong gusto kong iyakan.
Kung anong koneksyon? Konting pilit pa, sasabihin ko na..



pinipilit na kita..hahaha pwede sa number 3 or 2 spot..hahaha
ang koneksyon ay.. sya kase ang nagturo sa akin kung ano un yin yang.. minsan kase nagdrawing sya ng bola bola.. sabi ko “waw.. dragon ball?”
sagot nya: “haha! ano ka ba, Yin Yang!”
=p
wow astig nmn! nde nya na explain bakit sya nag drawing nun?
hmm.. nababato lang sya nung mga oras na yun.. naalala ko na pala.. pinahulaan pala nya sa akin un dinodrawing nya.. sagot ko “dragon ball!” hahaha!